A group of students gathers around a table, focused on a laptop. A teacher stands nearby, observing and providing guidance. The classroom setting includes computers and educational equipment.Maraming kabataan, specifically ang mga Gen Z at Millennials, ang nangangarap magtrabaho o mag-aral sa ibang bansa. At kung noon ay USA, Canada, o Australia ang unang nasa listahan, ngayon ay pumapaimbabaw na rin ang Finland bilang isa sa pinakapaboritong destinasyon ng mga kabataang Pilipino dahil sa napakataas na kalidad ng buhay duon. Ayon nga sa ulat ng World Happiness Report 2024, ang Finland ang pinakamaligayang bansasa buong mundo. Bakit nga ba? Tara na’t ating tuklasin!

Alam nyo ba na ang Finland ay may mga katangiang kaakit-akit sa mga migrante? Halimbawa, libre ang kanilang edukasyon at sigurado na makakapag aral ang mag-aaral dahil ito ay tiniyak mismo ng kanilang gobyerno sa pampublikong paaralan at vocational school. Tunay nga ang kanilang sistema ay world-class! Idagdag mo pa na ang kanilang education principle ay egalitarian principle of good quality education for all, na ang ibig sabihin ay anuman ang iyong background, ay may karapatang ka na  makatanggap ng magandang kalidad ng edukasyon. Binibigyang-diin ng prinsipyong ito ang pantay na pagkakataon at patas na pagtrato sa edukasyon, na naglalayong bawasan ang mga hindi pagkakapantay-pantay at tiyaking maaabot ng lahat ng indibidwal ang kanilang buong potensyal.

 

Idagdag mo pa rito na napakaligtas ng kanilang lipunan. Sa Finland, hindi mo na kailangan mag-alala kapag gabi ka umuwi, maglakad mag-isa, o hayaan ang anak mo sa eskwelahan. Bakit? Dahil napakababa ng kanilang crime rate, mataas ang tiwala ng mga mamamayan sa isa’t isa, at tiyak na secured ang inyong pamilya! Another good news, dahil may mataas rin na sahod at job opportunities para saating mga Pilipino lalo na sa vocational fields katulad ng healthcare, IT, business, engineering, HRM at marami pang iba. At ang pinaka the best sa lahat? Ang kanilang healthcare Sa Finland, libre o sobrang baba ang bayad sa healthcare, at garantisado ang access mo sa dekalidad na serbisyong medikal— estudyante ka man, manggagawa, o residente. Hindi mo kailangan mag-alala kung magkakasakit ka dahil may maaasahan kang suporta mula sa gobyerno. Sa madaling salita, may matibay na pagpapahalaga ang Finns sa edukasyon at seguridad sakanilang mga kababayan (tunay ngang mapapa “sana all” ka na lang).

 

 


Eto ang mga pangunahing paraang legal para ikaw o ang iyong pamilya ay makapunta sa Finland. Ito ang hakbang na irerekomenda sayo ni Finest Future Philippines:

Magsimula sa tamang pag-aaral ng wikang Finnish: Kailangan mo munang mag-aral ng Finnish, sapagkat malaking bahagi ng buhay doon ang komunikasyon sa lokal na wika. Maaring mag-enroll sa mga kursong inaalok ng Finest Future Philippines upang simulan ang iyong “Finnish Language Learning Path”.

 

Magsanay hanggang maabot ang B1.1 language proficiency level: Patuloy na magsanay ng Finnish (puwedeng online o sa onsite na klase) hanggang maabot ang antas B1.1. Ito ang karaniwang minimum requirement bago ka makapag-apply sa paaralan o trabaho sa Finland. Sinisiguro nito na kakayanin mong makipag-ugnayan at makisama sa bagong kapaligiran.



Ihanda ang iyong academic portfolio at application forms: Iprisinta ang iyong mga dokumento gaya ng grado sa eskwela, sertipikong pang-wika, mga sertipiko ng gawain, at iba pang karagdagang dokumento. Pagkatapos, mag-apply sa napiling institusyon sa Finland. Kung ikaw ay nasa edad 14 hanggang 18, and nararapat sayo ay mag apply sa Finnish High School. At kung ikaw naman ay 18+ pataas, ang nararapat sayo ay ang mga Vocational School sa Finland. 


Mag-apply ng residence permit at simulan ang pag-aaral o trabaho sa Finland: Kapag natanggap ka na sa Finland dito mo na kailangang isumite ang lahat ng naunang dokumento sa Finnish Immigration Service. Kapag naaprubahan na ang iyong permit, doon mo sinisimulan ang tunay na pag-aaral o pagtatrabaho sa Finland.


Sa bawat hakbang na ito, tutulungan ka ni Finest Future Philippines. Isa silang partner sa buong proseso– mula sa pagaaral ng wikang Finnish, aplikasyon sa eskwela, paghahanda ng dokumento, hanggang sa pag-asikaso ng residence permit. Kay Finest Future Philippines mo lang maari isagawa nang tuloy-tuloy ang ganitong proseso. Ang organisasyong ito ang nagbibigay ng eksakto at komprehensibong gabay sa paglipat sa Finland– tanging sakanila makikita ang mga High School at Vocational Programs na nabanggit. Kay Finest Future Philippines ka lang makakakuha ng ganitong full-service support kaya kung interesado kang pumunta sa Finland, dito ka dapat magsimula!

 

Tandaan: Lahat ng ito ay puwede mong gawin kasama ang Finest Future Philippines dahil sila ang bahala sa lahat ng dokumentasyon at coordination para mapadali ang iyong pagpunta sa Finland. Sa Finest Future Philippines mo lang makukuha ang ganitong tulong, kaya naman patuloy ka lang mangarap at hayaang gabayan ka nila sa bawat hakbang mo patungo sa Finland!

 

 


COULD FINLAND BE THE RIGHT MOVE FOR YOU?

✨ Start Your Finland journey with Finest Future Philippines

Kay Finest Future Philippines, nag-aalok kami ng LIBRENG konsultasyon at buong suporta para sa mga Pilipino sa lahat ng edad na gustong mag-aral, manirahan, matuto at magtagumpay sa Finland. Ang aming programang language learning ay pinamumunuan ng aming katutubong guro na si Lea Pulkkinen, kasama ang isang masigasig na team ng suporta na gagabay sa iyo sa bawat hakbang.

📩 Magpadala sa amin ng mensahe ngayon sa pamamagitan ng aming Facebook page: Finest Future Philippines 

📞 Hotline: 0995 678 0139
📩 Email: hello@finestfuture.ph